cynthia2086
Disciple of Prayer
Papa G sana matapos na page iisip ko sa utang bukas. Sana po may magandang mangyari. Gabayan mo po ako palagi. Naniniwala akong malaki ang utang ko pero MAs naniniwala akong MA's malaki Ka at walang kahit sino o ano ang makakatalo sayo. Papa G please para naman mapanatag na ako sa pag iisip. Pagod na pagod na po kasi ako kakaisip kung pano ako makakabayad sa mga utang ko. Alam na alam nyo po Papa G. Nagagalit ma sila sa akin. Iniisip nila na parang balewala lang sa akin lahat pero di nila alam sobrang lungkot ng buhay ko ng dahil sa mga utang kong yan.Naniniwala po akong pagbibigyan mo ang aking kahilingan. Sana po Bago man lang sumapit ang kaarawan mo ay magkaroon ng solusyon ang problema kong ito ng maisabuhay ko at maramdaman ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ito po ang aking samo at dalangin sangalan ng Panginoong Jesus.Amen