Chudrich
Disciple of Prayer
Panginoon, nagpapasalamat ako sa kabutihan at biyayang patuloy na ipinagkakaloob Mo sa aming pamilya. Humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan at pagkakamaling aking nagawa. Huwag Niyo po papabayaan ang aking mga magulang at kapatid; ilayo Niyo po sila sa lahat ng kapahamakan, kasamaan at sakit. Hinihiling ko po na kunin Niyo na po ang aking buhay at kaluluwa. Wala po akong mga kaibigan at kakilalang masasabihan ng problema. Kayo lang po aking mapagmahal na Panginoon ang malalapitan ko. Pinupuri ko po Kayo ng buong puso at minamahal ko po Kayo nang higit sa lahat. Ngunit, ninanais ko po na bago ako mawala sa mundong ito ay patuloy Niyo po gabayan ang aking pamilya at maging maunlad, payapa at masagana ang kanilang buhay. Salamat po ulit, Panginoon ko. Sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.