Sir Winston Malapad (Philippines)
Disciple of Prayer
Pakisama naman po sa inyong panalangin si Jessi Valencia. Hindi pa rin po sya umuuwi hanggang ngayon. Siya po ang bukod tanging kasama ko dito sa bahay namin for the longest time in years. Dadalawa lang po kami at nagging katuwang at kapamilya ko na po sya. Bukod tanging kasama sa lahat ng bagay araw-araw. Tagapayo at tanging kausap ko at kasa-kasama sa hapag kainan araw-araw. Niluluhod at tinatangis ko po sya sa Panginoon kada maya-maya ang kanyang maayos na kalagayan kung nasaan man po sya naroroon. Pinapanalangin ko po sa Panginoon na ipakita Niya po kay Jessi sa kanyang panaginip ang aking iyak at pag-aalala at mapatawad nya po ako sa lahat ng aking short comings. Nile-layhands ko po ang aming pintuan at pinapanalangin na ang susunod na papasok sa pintong ito ay si Jessi na. Lahat na po ng possible naming matawagan ay natawagan na po namin. Wala po kasi siya kahit anong bitbit noong siya po ay umalis. Walang credit card, pera o damit na dala bukod tanging sa suot niyang matingkad na dilaw na t-shirt kaya lubos na lang po ang aming pagaalala. Pakisama na rin po sa panalangin ang aking pamilya na nawa ay pakalmahin sila ng ating Panginoon sa pagaalala nila sa aking kalagayan at kay Jessi. Kayo po ang una kong babalitaan kapag nasagot na po ng Panginoon ang ating panalangin. Maraming salamat po.