Anonymous
Beloved of All
Panginoon, nag dadasal po ako na matulungan mo po ako at ang aking puso. Hindi po ako lubusang mapakali dito sa lalaking aking iniibig. Nawa’y mabigyan linaw mo kung siya ba talaga ay para sa akin o hindi. Ako po ay nahihirapan na dahil hindi ko po lubusang maipaliwanag sa aking sarili kung ano ang nangyayari. Para na po akong tanga na umaasa sa kanya. Ilang buwan ko na po siya ipinagdadasal po pero hanggang ngayon hindi parin po mabigyang linaw ang aming relasyon. Sana po pakinggan ninyo ang aking dasal. Kung siya po ay para sa akin, sana naman po mahalin nya ako ng tunay at alagaan ako at ang aking anak. Pero kung hindi po sya ang tamang tao na para sa akin sana po ilayo nyo na lamang po siya. Nagmamakaawa po ako sa inyo, sana po mabigyang linaw na ito sa lalong madaling panahon. Hindi na po ako mapayapa at palagi nalang po ako nababalutan ng takot. Sana po ilayo nyo nalang sya sa akin kung wala naman din po itong mapupuntahan o patutunguhan. Nasasaktan na po kasi ako. Hindi ko na po kaya, Hesus. Ipinagkakaloob ko po sayo itong nararamdaman ko at ang sitwasyon na ito. Kayo na po ang bahala. Kung ito po ay sang ayon sa inyong salita, sana po ito ay mabigyan linaw na ang mga nararamdaman ko. Mahal ko po sya pero kung hindi po sya para sa akin, sana po umalis na sya sa buhay ko. Amen.