cynthia2086
Disciple of Prayer
Ang sakit sakit na po ng ulo ko. Pakiramdam ko sasabog na. Hindi ko na alam ang kailangan ko isipin at gawin. Bakit po ganito Panginoon? Bakit sa kabila ng paghihirap ko ng napakatagal pagbubunot ng buto para lang maka ipon eh eala pa din? Pinagbigyan ako kanina nong inutangan ko pero sinabi nya na hanggang bukas na lang pwede nya ibigay na palugit sa akin. Diyos ko anong gagawin ko? San ako kukuha ng malaking halaga para bayaran sya? Diyos ko walang imposible sayo. Ipagkaloob mo naman po sa akin ang kahilingan ko na mabayaan na lahat ng pagkakautang ko. Hindi masaya ang buhay ko ng dahil dito. Nakikiusap po ako ang sakit sakit na po ng utak ko sa araw araw.Nawa ay dinggin mo ang aming mga Panalangin sa ngalan ng bugtong Mong anak na si Jesus kristo panginoon maming lahat. Amen